Nasawi ang walong miyembro ng New People’s Army matapos salakayin ng mga sundalo ang kuta nito sa Miagao, Iloilo.

Nitong Miyerkoles, sinabi ng Philippine Army sa Facebook, nagsagawa ang 301st Infantry Brigade ng military operation sa Barangay Alimodias, bandang alas-6 ng umaga.

Nakatanggap umano sila ng impormasyon na may grupo ng mga rebeldeng CPP-NPA na nagtipon sa barangay ng Miag-ao upang planuhin ang kanilang mga pag-atake.

Bukod sa mga bangkay, natagpuan din ng mga sundalo ang tatlong M16 rifles, isang AK47, apat na APM, tatlong detonator, isang projector, subversive documents, at iba’t ibang personal na gamit.

Pinasalamatan naman ng Commander ng Army’s 3rd Infantry Division na si Major General Benedict Arevalo ang mga residente sa pagbibigay ng impormasyon sa mga rebelde. (Sherrylou Nemis)

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=203129612009946&id=100069387241964

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Kuta ng NPA sinalakay sa Iloilo; 8 rebelde patay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kuta-ng-npa-sinalakay-sa-iloilo-8-rebelde-patay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kuta-ng-npa-sinalakay-sa-iloilo-8-rebelde-patay)