Isa sa mga matatag na prinsipyong pinanghahawakan ng tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto, ay ang paniniwala na lahat ng bagay ay itinakda ng langit.

Ito ang ibinahagi ni Lacson sa isa niyang pagbisita kamakailan, kung saan niya naikwento ang karanasan kung saan muntik na siyang mamatay noong siya ay limang taong gulang pa lamang.

Kwento ni Lacson, naliligo siya kasama ang kanyang pinsan sa isang ilog ngunit napunta siya sa malalim na bahagi at hindi marunong lumangoy.

Sa kabutihang-palad, nakaligtas ang presidential aspirant sa naturang pangyayari.

Ngunit saad pa ni Lacson, habang siya ay nakikipaglaban habang nalulunod ay nakita niya ang langit kung saan may mga anghel na kumakanta.

Kaya naman, mula noon ay pinanghawakan na ni Lacson na lahat ng bagay na nangyayari ay itinakda ng langit.

Si Lacson ay tumatakbong pangulo para sa 2022 elections, katambal ang vice presidential aspirant na si Sotto.

The post Lacson-Sotto tandem naniniwala sa pagtatakda ng langit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-sotto-tandem-naniniwala-sa-pagtatakda-ng-langit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-sotto-tandem-naniniwala-sa-pagtatakda-ng-langit)