Nanawagan si House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran na aprubahan na ang panukalang Media Workers Welfare Bill.

Ginawa ni Taduran ang panawagan kasabay ng kanyang pagkondena sa pagpatay sa news correspondent na si Jesus Malabanan na binaril sa loob ng tindahan sa Western Samar.

Sinabi ni Taduran na dapat maging pro-active ang gobyerno upang mapigilan ang karahasan laban sa mga mamamahayag.

“I am shocked at how journalists are being silenced by bullets. Their courage stems from their desire to tell the truth. We must not allow violence to kill that flame,” dagdag pa ni Taduran.

Ayon kay Taduran, kailangan ng mga mamamahayag ng batas na makapagbibigay ng proteksyon sa kanila at kabilang dito ang Media Workers Welfare Bill.

Ang panukala ay inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa noong Enero at nakabinbin ngayon sa Senado. (Billy Begas)

The post Lady solon nanawagan ng proteksyon sa mamamahayag first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lady-solon-nanawagan-ng-proteksyon-sa-mamamahayag/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lady-solon-nanawagan-ng-proteksyon-sa-mamamahayag)