Sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ng mga residente sa Del Carmen, Siargao Island, aalalahanin din nila ang kabayanihan at sakripisyo ng kanilang kapitbahay na si Eutiquio Flores.

Nagbuwis ng buhay si Flores upang sila ay maging ligtas sa ngitngit ng bagyong Odette.

Ayon sa ulat sa “24 Oras”, si Flores ang nanguna sa evacuation ng mga kapitbahay niya sa Purok 5, Barangay Lobogon.

Saad ng misis ni Flores na si Elena, tinatawid ng biktima isa-isa ang kanilang mga kapitbahay para mailipat sa ligtas na lugar.

Bigla na lang daw silang nakarinig ng sigaw ng isang batang na-rescue at humihingi ng tulong.

Matapos ay nakita nila si Flores na may sugat na sa ulo at putlang-putla na.

Dahil sa malakas na ulan, hindi agad nadala si Flores sa ospital.

The post Lalaki binuwis buhay para sa mga kapitbahay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lalaki-binuwis-buhay-para-sa-mga-kapitbahay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lalaki-binuwis-buhay-para-sa-mga-kapitbahay)