Patay ang isang lalaki matapos bumangga ang kaniyang minamanehong sasakyan dahil inatake ito sa puso nitong Linggo.

Batay sa ulat ng awtoridad, naganap ang insidente bandang alas-5 ng madaling araw sa national highway sa Barangay Quinarayan, Narvacan sa Ilocos Sur.

Ayon sa pulisya, sakay ng puting Toyota Fortuner ang biktimang si Allan Balido, 48, kasama ang lima pa nitong sakay nang biglang manakit ang dibdib nito.

Base sa salaysay ng limang sakay ng biktima, sinubukan pa umano magmaneho ng normal ni Balido ngunit hindi na nito kinaya kaya nawalan na ito ng kontrol sa manibela.

Dagdag pa ng mga ito, sumalpok ang kanilang sinasakyan sa isang concrete fence. Wala namang nasaktan sa limang sakay nito.

Sinugod naman agad ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival. (Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Lalaki inatake sa puso habang nagmamaneho, patay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lalaki-inatake-sa-puso-habang-nagmamaneho-patay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lalaki-inatake-sa-puso-habang-nagmamaneho-patay)