Inendorso ng House Committee on Higher and Technical Education ang panukala na gawing libre ang pagkuha ng entrance examination sa mga pribadong higher education institution ng mga matalino at mahirap na high school graduate.

Ang panukalang Free College Entrance Examination (House Bill 10555) ay isinumite na sa House Committee on Rules para maisama sa agenda ng plenaryo.

Sa ilalim ng panukala, hindi pagbabayarin ng entrance exam ang mga estudyante na kasama sa top 10% ng graduating high school class.

Dapat din na ang mga magulang o guardian ng estudyante ay nasa ilalim ng poverty line na itinatakda ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ilalim ng panukala, binibigyan ng mandato ang Commission on Higher Education (CHED) na parusahan ang mga eskuwelahan at mga indibidwal na hindi susunod sa patakaran.

The post Libreng college entrance exam sa mahirap pero matalinong estudyante umusad first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/libreng-college-entrance-exam-sa-mahirap-pero-matalinong-estudyante-umusad/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=libreng-college-entrance-exam-sa-mahirap-pero-matalinong-estudyante-umusad)