Pinaiksi ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) at Metro Rail Transit (MRT-3) ang oras ng biyahe ng kanilang mga tren para sa mga parating na holiday ngayong Disyembre.

Sa Disyembre 24, ang huling biyahe mula Baclaran Station ng LRT-1 ay aalis ng alas-8:00 ng gabi, habang ang huling tren mula sa Balintawak Station ay aalis ng alas-8:15 ng gabi.

Sa Disyembre 31 naman, ang huling tren mula Baclaran ay aalis ng alas-7:00 ng gabi habang ang huling tren sa Balintawak ay aalis ng alas-7:15 ng gabi.

“LRT-1 will continue to serve passengers on 25 December 2021 (Christmas Day), 30 December 2021 (Rizal Day), and 1 January 2022 (New Year’s Day) following the regular weekends/holiday schedule,” saad ng pamunuan ng LRT-1.

Sarado ang Roosevelt Station dahil sa pagsasagawa ng MRT-7.

Para naman sa MRT-3, ang huling tren galing North Avenue ay aalis ng alas-7:45 ng gabi habang ang huling tren galing Taft Avenue ay aalis ng alas-8:31 ng gabi para sa Disyembre 24 at 31.

Sa pasko at bagong taon naman, ang huling tren ng MRT sa North Avenue ay aalis ng alas-9:30 ng gabi habang ang huling tren galing Taft ay aalis ng alas-10:16 ng gabi.

https://twitter.com/officialLRT1/status/1472855885265309696/photo/1

The post LRT1, MRT3 nagbago schedule sa parating na holiday first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lrt1-mrt3-nagbago-schedule-sa-parating-na-holiday/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lrt1-mrt3-nagbago-schedule-sa-parating-na-holiday)