Proud ang dating beauty queen na si Maggie Wilson na unti-unti na siyang lumalakas matapos ang hiwalayan sa kanyang asawa na si Victor Consunji.

Sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkoles, pinasilip muli ni Maggie ang kanyang walang kupas na kaseksihan habang nasa isang beach.

Ngunit ang mensahe na nasa caption ng post ang mas nakakabilib.

“I have been broken too many times in the past. I have put myself back together so many times before and I can do it again,” saad ni Maggie. “This time, I am armed with the self respect, morals and values I forgot I had because I was blind.”

“This time, I woke up… This time, I have found courage,” dagdag pa niya.

Setyembre ng ianunsyo ni Maggie ang pakikipaghiwalay kay Victor, na pinakasalan niya noong 2010 kung saan naging bunga ng kanilang pagsasama ang anak na si Connor. (mjd)

https://www.instagram.com/p/CXM-w-SvYRa/?utm_source=ig_embed&ig_rid=ce1bce06-cd5e-44be-8781-c65d522ad049

The post Maggie Wilson nakakabangon na matapos ang heartbreak first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maggie-wilson-nakakabangon-na-matapos-ang-heartbreak/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maggie-wilson-nakakabangon-na-matapos-ang-heartbreak)