Dumating sa Pilipinas ang mahigit 1 milyong Pfizer vaccine nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr., nasa 1,085,760 Pfizer ang binili ng gobyerno.

Inihatid naman ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Nitong Lunes din ng hapon, nakatanggap ang bansa ng kabuuang 1,497,200 doses ng Moderna sa NAIA Terminal 1.

Ang mga bakuna ay tinanggap ng National Task Force against COVID-19 head of strategic communications on current operations Assistant Secretary Wilben Mayor; US Embassy Cultural Affairs Officer Nina Lewis; at Zuellig Pharma Market managing Director Jannette Jakosalem. (Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Mahigit 1M Pfizer natanggap ng ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mahigit-1m-pfizer-natanggap-ng-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mahigit-1m-pfizer-natanggap-ng-pinas)