Muling binuksan sa mga mananamba ang Maribojoc Church sa Bohol nitong Linggo, walong taon matapos itong sirain ng magnitude 7.3 lindol.

Isinakto ang muling pagbubukas ng simbahan sa ikatlong Linggo ng adbiyento, o ”Gaudete,’ o ‘rejoice’ Sunday.

“This joy is overflowing as we enter this beautiful church. This church represents so wonderfully the cooperation and collaboration between the Church and the state,” pahayag ni Archbishop Charles John Brown.

Ang Maribojoc Church, o Santa Cruz Parish Church, ay idineklarang National Cultural Treasure noong 2010 ng National Museum of the Philippines.

Ang naturang simbahan ay itinayo noong 1886.

Dinaluhan ni Spanish Ambassador Jorge Moragas Sanchez at walong obispo mula Visayas at Mindanao ang muling pagbubukas ng Maribojoc Church.

The post Maribojoc Church sa Bohol muling binuksan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maribojoc-church-sa-bohol-muling-binuksan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maribojoc-church-sa-bohol-muling-binuksan)