Matapos tanggapin ang hamon sa palabas na ‘The Kangks Show,’ masasabi na umano ni Maris Racal na handa na siya sa mga mas mapangahas na role sa pelikula at telebisyon.

Sa ‘The Kangks Show’ ay tatalakayin ng hayag ang mga bagay tungkol sa sex, na siyang pagbibidahan nina Racal at Angelica Panganiban.

Sa panayam ng Inside News ng Star Magic nitong Miyerkoles, inamin ni Maris na una niya itong pagsabak sa isang bogmaling palabas.

“First time kong tumanggap ng role na ganito na sobrang tapang. Pinag-uusapan ‘yung sex in general. So, para sa akin napa-self check ako na I think it’s about time na mag-take ako ng one step forward regarding sa mga role na gaganapan ko,” saad ng 24-anyos na aktres.

“Siya ‘yung tipo ng tao na makikita mo kung saan-saan sa internet. And pangarap niyang maging ka-co-host si Doc Kara Teo na gaganapan ni Ms. Angelica Panganiban,” kwento ni Maris sa kanyang role sa ‘The Kangks Show.’

“Ang mapupulot nila rito, ang ganda tingnan kapag lahat ng babae ay nagtutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa. Number 2, sex is normal,” dagdag pa niya.

Magsisimulang umere ang ‘The Kangks Show’ sa WeTV sa Disyembre 17. Ito ay sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

The post Maris Racal game sa bogmaling role first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maris-racal-game-sa-bogmaling-role/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maris-racal-game-sa-bogmaling-role)