Itinanghal na PBA player of the week para sa nagdaang linggo ang tirador ng Phoenix Super LPG na si Matthew Wright.

Ito ay matapos bumuhos si Wright ng 23 points para sa 103-92 panalo ng Phoenix kontra NLEX sa mismong araw ng pasko.

Mabigat ang naging panalo para sa Phoenix dahil dalawang minuto lang naglaro sa naturang laban ang kanilang import na si Paul Harris dahil sa iniindang injury. Galing din sila sa dalawang talo bago madaig ang NLEX.

Tinalo ni Wright sa lingguhang pagkilala ng PBA Press Corps sina Kevin Alas ng NLEX at Arvin Tolentino ng Ginebra.

“As bad as we played in our last two games, Matt said that we just have to keep on playing. That it’s either we go all the way with three straight losses or we stop the streak of NLEX,” pahayag ni Phoenix coach Topex Robinson tungkol sa laro ni Wright.

The post Matthew ‘Mr. Wright’ para sa Phoenix first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/matthew-mr-wright-para-sa-phoenix/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=matthew-mr-wright-para-sa-phoenix)