Isang Tiktok ang nag-viral kung saan makikita sa video ang reaksyon ng isang bagong nurse matapos nitong malaman na hindi lang siya nakapasa sa Philippine National Licensure Examination kundi pasok rin ito sa top 9 nationwide.

Hindi makapaniwala si Lois Aguilar Orca nang makita nito ang resulta ng nasabing exam.

Napuno ng iba’t ibang emosyon ang nasabing video matapos na magulat, matuwa, at maiyak ni Orca dahil sa pagpasa nito.

“Thank you Lord for this answered prayer. Hindi mo lang ako pinasa, binigyan mo pa ako ng bonus,” caption ni Orca sa Tiktok Video.

@loisaguilarorca

Thank you Lord for this answered prayer. Hindi mo lang ako pinasa, binigyan mo pa ako ng bonus. 💗 #top9 #pnle2021 #registerednurse #RN #nurse #fyp #foryoupage

♬ MAPA – SB19

Ayon sa Facebook post ni Orca, pakiramdam daw nito ay hindi siya masyadong naghanda sa exam, kaya ipinagdasal daw umano nito na makapasa.

“I didn’t prepare for July 2021 NLE, and I thought I wasn’t prepared enough for November 2021 NLE. I thought I failed to properly prepare and what I am aiming for is already impossible. After the exam and during the long wait, I was just hoping and praying to pass but God gave me more than what I have prayed for! All the sleepless nights, hard work, sacrifices, struggles, and countless breakdowns paid off. We made it to the top!” pahayag ni Orca sa Facebook.

The post May bonus pa! Babae nagulat, naiyak sa resulta ng licensure exam viral first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/may-bonus-pa-babae-nagulat-naiyak-sa-resulta-ng-licensure-exam-viral/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=may-bonus-pa-babae-nagulat-naiyak-sa-resulta-ng-licensure-exam-viral)