Patuloy na nangunguna si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pinakahuling vice presidential survey na inilabas ng Pulse Asia.

Nakakuha si Mayor Sara, pambato ng Lakas-CMD, ng 45% sa naturang survey.

Pangalawa naman si Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 31%, habang pangatlo si Senador Kiko Pangilinan na may 12%.

Si Doc Willie Ong ang pang-apat sa 6% habang si Lito Atienza ang pang-lima sa 1%.

Nasa 3% naman ang nagsabing hindi pa nila alam ang kanilang iboboto sa pagka-bise presidente.

Gaya ni Mayor Sara, nangunguna rin sa presidential survey ang katambal niya na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ngunit ‘di tulad ni Marcos, mas kaunti ang lamang ni Mayor Sara sa pangalawa na si Sotto.

Ito ay dahil bagamat lamang ang alkalde sa survey mula sa mga respondente sa NCR at Mindanao, nakalamang naman si Sotto sa survey mula sa Balanced Luzon at Visayas.

Ang survey ay isinagawa noong Disyembre 1-6.

The post Mayor Sara abante pa rin sa VP survey, Sotto pangalawa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mayor-sara-abante-pa-rin-sa-vp-survey-sotto-pangalawa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mayor-sara-abante-pa-rin-sa-vp-survey-sotto-pangalawa)