Nagsama-sama ang mga dating empleyado ng ABS-CBN Corp. upang palawigin ang kanilang walang patid na suporta para sa mayoral bid ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor.

Napagtanto ng mga dating empleyado na ginawa lamang ni Defensor ang kanyang trabaho bilang mambabatas nang bumoto ito laban sa renewal ng prangkisa dahil sa mga paglabag na ginawa ng mga may-ari ng kumpanya.

“We recognize the significance of demanding accountability and transparency to protect the interest of the nation. Congressman Defensor’s strong resolve to stand for the truth despite a multitude of criticisms shows his commitment to public service and the people,” ayon sa mga dating empleyado.

Dagdag pa ng mga ito, kailan umano pumili ng kandidato na may mahusay na pamumuno.

“We need to elect candidates that are imbued with good leadership skills and fortitude to confront popular misconceptions and preserve the truth,” dagdag ng mga ito.

Noong 2020, bumoto ang House Committee on Legislative Franchises laban sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN dahil sa ilang paglabag.

Mayroon ding mga dating empleyado ng ABS-CBN na tumestigo laban sa network dahil sa paglabag nito sa labor law. Sa pagdinig ng komite, mayroong 67 kaso laban sa ABS-CBN ang nakabinbin sa National Labor Relations Commission (NLRC).

The post Mga dating empleyado ng ABS-CBN todo suporta kay Defensor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-dating-empleyado-ng-abs-cbn-todo-suporta-kay-defensor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-dating-empleyado-ng-abs-cbn-todo-suporta-kay-defensor)