Hindi mamarkahang absent o lumiban sa trabaho ang isang empleyado o manggagawa na nagpabakuna laban sa COVID-19 simula Disyembre 1.

Ito ang nilinaw ni acting Presidential Spokesman at IATF Spokesman Karlo Nograles sa harap ng patuloy na vaccination rollout ng gobyerno laban sa COVID-19.

Ayon kay Nograles, nasa resolusyon ng IATF ang direktiba sa mga employer na huwag markahang absent ang kanilang empleyado lalo na kung naka-schedule ang mga ito ng kanilang first o second dose ng COVID vaccine.

Dapat ang isipin ng mga employer aniya ay para ito sa kaligtasan na rin ng iba pa nilang manggagawa upan magtuloy-tuloy ang pag-usad ng operasyon ng kanilang negosyo.

“Naglagay po kami sa resolution ng IATF na beginning December 1, lahat ng mga empleyado na naka-schedule magpabakuna ay excuse from work at dapat payagan ng employer. Beginning December 1 onwards. Lahat ng employers ay may direktiba na kung ‘yan ang vaccination day ng inyong empleyado ay dapat i-excuse from work. Dapat hindi siya mamarkahang absent,” ani Nograles.

Pero kailangan aniyang magpakita rin ng katibayan ang mga manggagawa na nakapagpabakuna sila para mawala ang pagdududa na ginamit lamang alibi ang vaccination para sa iba nilang lakad.

The post Mga empleyadong nagpabakuna simula December 1 excuse sa trabaho first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-empleyadong-nagpabakuna-simula-december-1-excuse-sa-trabaho/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-empleyadong-nagpabakuna-simula-december-1-excuse-sa-trabaho)