Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal at ahensiya ng gobyerno, pati na rin ang mga doktor at iba pang medical health workers at volunteers dahil sa matagumpay na tatlong araw na National Vaccination Day noong November 29, 30 at December 1.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na nakapagbakuna ng 10.2 million doses sa buong bansa, at maituturing itong malaking tagumpay laban sa COVID-19.

Kabilang sa mga pinasalamatan ng Presidente ay sina Health Secretary Francisco Duque, Vaccine Czar Carlito Galvez, mga doktor at volunteers na naglaan ng panahon sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan.

“I’d like to thank the doctors, the volunteers and all for — of course, Secretary Duque and Secretary Galvez. I thank you for — in behalf of the Filipino people,” anang Pangulo.

Dahil aniya sa pinaigting na vaccination rollout ay bumababa na ang mga nagkakasakit sa COVID-19 at kada 100 katao na sinuri sa COVID-19 ay dalawa na lamang ang nagpopositibo.

“We continue to see downward trend of the positivity rate, now only less than two percent. This means that for every 100 persons tested for COVID-19, only a maximum of two people turned out to be positive. Sa Davao nga last week there’s only one. Very impressive,”dagdag ng Pangulo.

Dahil sa matagumpay na bakunahan, sinabi ng Presidente na magkakaroon ng ikalawang round ng Bayanihan Bakunahan sa December 15-17.

“We will have a second round of Bayanihan Bakunahan from December 15 to 17. I hope that we would have the same success. But this time lesser because parang naubos na natin ang Pilipino sa ‘yung what counts sa bakuna kaya medyo there’s a slowdown of the COVID-19,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Mga kumilos sa national vaccination day pinasalamatan ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-kumilos-sa-national-vaccination-day-pinasalamatan-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-kumilos-sa-national-vaccination-day-pinasalamatan-ni-duterte)