Napagkasunduan ng mga alkalde ng Metro Manila na magbigay ng P100 milyon para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Ayon sa ulat, pumirma ang lahat ng 17 alkalde sa NCR para sa naturang resolusyon upang ibigay nasabing pondo, na kukunin naman mula sa mga naitabing pondo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“We are going to prioritize local government units stricken by tropical cyclone wind signal number 4 of typhoon Odette,” wika ni MMDA chairman Benhur Abalos.

“This financial aid will help especially in these trying times. It’s Christmas after all, a time of sharing and giving,” dagdag pa ni Abalos.

Ang mga rehiyong sinalanta ni Odette ay Mimaropa, Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao region at Caraga region.

Batay sa tala ng mga awtoridad, higit 54,000 ang mga nasirang bahay dahil sa bagyo.

The post Mga NCR mayor magbibigay P100-M para sa biktima ni Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-ncr-mayor-magbibigay-p100-m-para-sa-biktima-ni-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-ncr-mayor-magbibigay-p100-m-para-sa-biktima-ni-odette)