Naka-red alert na umano ang mga pagamutan para sa darating na pagsalubong sa bagong taon, kung saan inaasahan ang mga biktima ng paputok, ayon sa Private Hospitals Associations of the Philippines Inc. (PHAPI).
“Halos lahat naman talaga ng hospital, kumbaga mati-term natin na naka-red alert at handa po sila sa kung ano man ang mangyayari,” wika ni PHAPI president Dr. Jose de Grano sa panayam ng GMA ngayong Miyerkoles.
Umaasa rin umano siya na sa tulong ng istriktong pagbabantay ng mga awtoridad ay kakaunti lang ang mga maitatalang insidente ng biktima ng paputok.
Batay sa tala ng Department of Health nitong Martes, 23 na ang biktima ng paputok, karaniwan sa mga ito ay naputukan ng boga, five star, piccolo, triangle, whistle bomb, baby rocket, at iba pang walang label na paputok. (mjd)
Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-ospital-handa-na-sa-mga-mapuputukan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-ospital-handa-na-sa-mga-mapuputukan)
0 Mga Komento