Gumawa ng kasaysayan ang Miss Universe representative ng Bahrain na si Manar Nadeem “Jess” Deyani.

Maliban sa siya ang kauna-unahang representative ng Bahrain sa Miss Universe pageant, binasag niya ang tradisyunal na swimsuit competition.

Imbes naka-bikini, rumampa siyang nakasuot ng black quarter-sleeved jumpsuit dahil sa kanilang kultura at relihiyon.

Bunga nito, umani ng mga papuri ang 25-year-old fashion student ngunit may ilang Pilipino na kumutya sa kanya.

Sa kanyang Instagram, pumalag si Miss Bahrain at sinabing naroon siya upang i-represent ang lahat ng kababaihan “regardless of the shape, size, religion or color.”

“For the people who spread hate on social media. I have nothing but love for all of you. I hope that you find peace in your heart as me and my co-sisters unite to break the world’s stereotypes of beauty. On a positive note – I wanna thank everyone who said inspirational things and for the kind messages! Love you, kabayans!”

The post Miss Bahrain hindi nag-bikini, pinutakti ng basher first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/miss-bahrain-hindi-nag-bikini-pinutakti-ng-basher/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=miss-bahrain-hindi-nag-bikini-pinutakti-ng-basher)