Marami ang nalungkot at nagalit nang hindi nila nakita sa media tour ng mga nagwagi sa Miss Grand International 2021 si Miss Grand South Africa Jeanè Van Dam.
Nanalo si Jeanè bilang Miss Grand International 2021 4th runner-up sa kompetisyon na ginanap sa Thailand.
Ayon kay Jeanè hindi umano nito alam na may magaganap na media tour pagkatapos ng coronation night dahil wala umanong nagsabi sa kaniya.
Kaya matapos ang event ay agad din itong umuwi kinabukasan pabalik ng South Africa.
Nilinaw naman ni Jeanè sa kaniyang Instagram kung bakit hindi siya nakasali sa media tour.
Sinabi ni Jeanè na matapos ang coronation night, lumapit ito sa ilang staff upang tanungin kung kailangan pa niyang magstay sa Thailand.
Sinabi umano ng mga ito na maari na siyang umuwi.
“I know there is a lot of confusion regarding my return to South Africa. So here are the facts. 1. The night after crowning I went to a member of the team asking her whether I should change my ticket to stay in Bangkok. 2. She told me that I can go home the next day and there is no need to stay,” caption nito sa kaniyang Instagram post.
Dagdag pa niya na hindi ang kalagayan sa COVID-19 ng bansa ang dahilan kung bakit siya umuwi, kung hindi dahil sinabihan itong maari nang umuwi.
“3. SO the reason for my return was NOT my countries borders or Covid19. I returned because I was told to do so,” paliwanag ni Jeanè.
Aniya, masama raw ang kaniyang loob dahil hindi siya naging bahagi ng media tour.
“I am heartbroken as this is a once in a lifetime opportunity. And I worked just as hard as the other girls. So to not be part of the media tour & new sisterhood bond is devastating to say the least. Thank you for all your love & support. #whereisSouthAfrica #whereisSA,” pahayag nito.
The post Miss Grand South Africa hindi sinama sa media tour ng mga nanalo first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/miss-grand-south-africa-hindi-sinama-sa-media-tour-ng-mga-nanalo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=miss-grand-south-africa-hindi-sinama-sa-media-tour-ng-mga-nanalo)
0 Mga Komento