Bumisita si Miss Universe Philippines Beatrice Gomez para tulungan ang nga pasaherong stranded sa Cebu City Port dahil sa Bagyong Odette.
Sa Instagram post ng beauty queen, ibinahagi nito ang larawan habang namimigay sila ng mga pagkain.
Namahagi ang kandidata ng 1,000 pagkain nitong Huwebes sa mga apektado ng nasabing bagyo.
“Unknown to most, there are many people who have been stranded in the ports since the onslaught of super typhoon Odette due to the limited number of boats, limited frequency of trips, and increased cargo prices,” caption ng beauty queen.
Nakapaghatid na rin ng 10,000 water purification tablet si Gomez para sa inumin ng mga biktima ng bagyo.
“Over 5000 meals have been served in Cebu City since typhoon Odette and 10,000 Water Purification Tablets were distributed for Cebu City, Cebu Province, Siarga, and Surigao,” dagdag ni Gomez.
Nauna nang ibinunyag ni Gomez na kabilang ang kanyang pamilya sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/miss-u-ph-beatrice-namigay-pagkain-sa-mga-pasaherong-stranded-sa-cebu-port/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=miss-u-ph-beatrice-namigay-pagkain-sa-mga-pasaherong-stranded-sa-cebu-port)
0 Mga Komento