Ipinagpaliban muna pansamantala ang coronation night ng Miss World 2021 dahil sa mga tinamaan ng COVID-19 na mga kandidata at tauhan ng nasabing pageant.

Sa isang post sa Facebook, nagpahayag ng pagkabahala ang mga organizer sa kaligtasan ng mga kalahok, tauhan, at pangkalahatang publiko na manonood ng beauty pageant.

“Miss World 2021 temporarily postpones global broadcast finale in Puerto Rico due to health and safety interest of contestants, staff, crew and general public,” pahayag ng Miss World sa kanilang Facebook page.

Dagdag pa riyan, sinabi rin organizer na ang coronation night ay iiskedyul sa loob ng susunod na 90 araw.

“The finale will be rescheduled at Puerto Rico Coliseum Jose Miguel Agrelot within the next 90 days,” dagdag nito.

“After meeting with the virologists and medical experts hired to oversee the Miss World 2021 event and discussing with the Puerto Rico Health Department, the decision has been made by the organizers of the event to postpone the globally broadcast finale at the Puerto Rico Coliseum Jose Miguel Agrelot to be held within the next 90 days,” saad pa ng organizer.

Nagkaroon din umano ng karagdagang kaso ng mga nagka-COVID-19, kaya nagdesisyon umano ang mga ito na ipagpaliban na muna ang kompetisyon.

“As of yesterday, additional safety measures were implemented in the best interest of the contestants, production team and spectators, understanding the event increased risks on the stage and in the dressing room. However, after additional positive cases were confirmed this morning after consulting with health officials and experts, the postponement decision was made.”

Samantala, ayon sa Miss World, babalik ang mga contestant sa kanilang sariling bansa kapag sila ay na-clear ng health officials sa Puerto Rico.

“We are very much looking forward to the return of our contestants, (who we have grown to know and love), to compete for the Miss World crown,” said Miss World CEO Julia Morley.”

The post Miss World 2021 ipinagpaliban dahil sa tinamaan ng Covid na kandidata, tauhan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/miss-world-2021-ipinagpaliban-dahil-sa-tinamaan-ng-covid-na-kandidata-tauhan1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=miss-world-2021-ipinagpaliban-dahil-sa-tinamaan-ng-covid-na-kandidata-tauhan1)