Tutol ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapasara ng bahagi ng North Avenue para mabigyang daan ang paggawa sa Grand Central Station ng MRT-3.

Ayon kay MMDA General Manager Don Artes, patapusin muna ang Kapaskuhan bago gawin ang bagong station.

Aniya, dapat ay sa susunod na taon na lang muna ito gawin.

“Tapusin muna itong Christmas season. Next year na lang gawin ‘yan,” ani Artes.

Dagdag pa nito, maaring bumigat ang daloy ng trapiko sa paparating na Christmas holiday kaya umano mas nakatuon sila sa paggawa ng traffic plan.

Ito ay matapos na atasan ang MMDA sa paggawa ng traffic management plan at implementation para sa isang buwang pagpapasara ng bahagi ng North Avenue.

The post MMDA ‘di aprub sa pagsasara ng bahagi ng North Avenue first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mmda-di-aprub-sa-pagsasara-ng-bahagi-ng-north-avenue/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mmda-di-aprub-sa-pagsasara-ng-bahagi-ng-north-avenue)