Umakyat sa lima ang bilang ng mga lugar sa Maynila na nasa ilalim ng granular lockdown, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) ngayong Huwebes.

Gayunman, sa kabuuan ay lima katao lang ang apektado sa limang granular lockdown.

Sa buong Metro Manila, ang Maynila na lamang ang may lugar na nasa ilalim ng naturang community quarantine.

Sa buong bansa naman, ang Cordillera na lamang bukod sa NCR ang rehiyon na may lugar na nasa ilalim ng granular lockdown. Apat na lugar sa Cordillera ang nasa ilalim ng granular lockdown.

Nitong Miyerkoles ay halos 900 ang nadagdag sa bilang ng mga kaso ng COVID. Ngunit ayon sa OCTA Research, maaaring dulot ng mga aktibidad ngayong holiday season ang pagtaas sa bilang ng mga kaso. (mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Nakakandadong lugar sa Maynila 5 na – PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nakakandadong-lugar-sa-maynila-5-na-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nakakandadong-lugar-sa-maynila-5-na-pnp)