Lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na bumaba sa 10%, o 2.5 milyon pamilya sa Pilipinas ang nakaranas ng involuntary hunger noong Setyembre.

Ito ay mas mababa kumpara sa 13.6% o 3.4 milyon pamilya na nakaranas ng involuntary hunger batay sa SWS survey noong Hunyo.

Sa survey na isinagawa noong Setyembre, 7.9% o dalawang milyon pamilya ang nakaranas ng moderate hunger habang ang 2.1% o 534,000 pamilya ang nakaranas ng matindi o severe hunger.

Ayon sa SWS, ang moderate hunger ay ang pagkaramdam ng gutom isa o kaunting beses sa loob ng huling tatlong buwan. Habang ang severe hunger ay ang pagkaranas ng gutom nang madalas sa huling tatlong buwan.

Pinakamarami naman ang nakaranas ng involuntary hunger sa Metro Manila (14%), sinundan ng Balance Luzon (10.3%), Mindanao (10.3%) at Visayas (6%). (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Nakaranas ng gutom noong Setyembre nabawasan – SWS first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nakaranas-ng-gutom-noong-setyembre-nabawasan-sws/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nakaranas-ng-gutom-noong-setyembre-nabawasan-sws)