Nagsilabasan na naman ang mga “Marites” dahil sa post ng nanay ni Dominic Roque.
Kumakalat ang tsismis ngayon na namanhikan na raw si Dominic sa pamilya ni Bea Alonzo.
Nagpost kasi ang mama ni Dominic kung saan kasama niya ang nanay ni Bea at naka-pinky promise pa ang dalawa.
“@madame_m_1117 Sumpaan at Kasunduan (heart emojis),” caption ni Lena (nanay ni Dominic) sa Instagram.
Nitong nakaraan lang, magkasamang ipinagdiwang ng dalawa kasama ang kanilang pamilya ang holiday sa farm ni Bea sa Zambales.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/namanhikan-na-nanay-ni-bea-dominique-may-pangako-sa-isat-isa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=namanhikan-na-nanay-ni-bea-dominique-may-pangako-sa-isat-isa)
0 Mga Komento