Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang mga nanalo sa “Bakunado Panalo” raffle nitong Biyernes, Disyembre 31.

Ang raffle draw ay isinagawa ng DOH upang mahikayat ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

Inilabas na ang pangalawa sa tatlong buwanang draw, kung saan ang unang set ay isinagawa noong Oktubre at ang huling “Grand Draw” ngayong Disyembre.

Base sa press release ng DOH, nakausap na ng ahensya ang mga nanalo na makatatanggap ng P5,000 bawat isa.

Samantala, para naman sa “Grand Prize” makatatanggap ang isang indibidwal ng P1 milyon; habang isa rin ang makakakuha ng P500,000; at sampu naman ang mananalo ng P100,000.

Iaanunsyo ang mga nanalo sa Grand Draw sa Enero 2022 kapag nakumpleto na ang validation process ng mga indibidwal.

The post Nanalo sa ‘Bakunado Panalo’ raffle inilabas na ng DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nanalo-sa-bakunado-panalo-raffle-inilabas-na-ng-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nanalo-sa-bakunado-panalo-raffle-inilabas-na-ng-doh)