Pinagmulta ang isang manlalaro ng National Football League (NFL) sa US matapos itong mang-agaw ng beer ng isang fan at gamitin ito sa pagdiriwang ng isang touchdown sa kanilang huling laban.

Ayon sa ulat ng NBC sports, masyadong natuwa ang right tackle na si Spencer Brown sa naging touchdown ng kakampi na si Stefon Diggs kung saan ang naturang iskor ang nagbigay sa kanilang koponan na Buffalo Bills ng panalo nitong Lunes (oras sa Pilipinas).

Matapos ang touchdown ni Diggs, lumapit si Brown sa isang fan at kinuha ang beer nito at nilaklak.

Matapos ang laro, nagpost pa si Brown sa Twitter para sabihin iyon na ang pinakamahal na beer na kanyang natikman.

Ngunit ‘di nagustuhan ng NFL ang ginawa ni Brown at pinagmulta ito ng $5,000, o mahigit P250,000.

The post NFL player nang-agaw beer sa fan, pinagmulta first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nfl-player-nang-agaw-beer-sa-fan-pinagmulta/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nfl-player-nang-agaw-beer-sa-fan-pinagmulta)