Muntik na umanong mamatay ang sikat na singer na si Billie Eilish dahil sa COVID-19 kung hindi lang ito nabakunahan.

Ayon sa panayam kay Eilish sa “The Howard Stern Show,” dahil sa bakuna kaya ito buhay ngayon.

“I want it to be clear that it is because of the vaccine that I’m fine. I think if I weren’t vaccinated I would have, like, died because it was bad,” pahayag ni Eilish.

Inilarawan din niya ito bilang nakakatakot na karanasan kahit na hindi siya namatay mula dito.

“When I say it was bad, I more just mean that it felt horrible but really in the scheme of COVID, it was not bad,” salaysay nito.

Matapos na magka-COVID sa loob ng dalawang buwan, sinabi ni Eilish na hanggang ngayon ay nararanasan pa rin nito ang epekto ng sakit.

“When you’re sick it feels fucking horrible. When you have a cold — I have a cold right now — when you have the flu, it feels like you’re dying when you’re okay,” paglalarawan ni Eilish.

Dagdag pa niya na ang bakuna rin ang nagligtas sa kaniyang pamilya at kaibigan para maka-iwas sa virus.

The post Niligtas ng bakuna: Billie Eilish muntik na ma-dedo sa Covid 19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/niligtas-ng-bakuna-billie-eilish-muntik-na-ma-dedo-sa-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=niligtas-ng-bakuna-billie-eilish-muntik-na-ma-dedo-sa-covid-19)