Maghihigpit na rin ang Philippine National Police (PNP) para sa mga miyembro nito na hanggang ngayon ay hindi pa bakunado kontra COVID.

Ayon sa bagong PNP chief na si Gen. Dionardo Carlos, ipapatupad nila sa mga susunod na araw ang ‘no jab, no duty’ policy sa lahat ng kapulisan.

“In the coming days, we are coming up with a Memorandum Circular to spell out the guidelines in the implementation of the ‘No Jab No Duty’ policy among PNP personnel,” wika ni Carlos ngayong Lunes.

“As public servants and officers of the law, it is our responsibility to uphold public welfare at all times and lead by example in fulfilling the citizen’s duty to promote public health and safety,” aniya.

Naniniwala ang PNP chief na ang pagbabakuna ay hindi na tungkol sa personal na desisyon kundi tungkol na sa interes at ikabubuti ng publiko.

“Directly affected by this policy are some 900 unvaccinated PNP personnel who are yet to offer any reasonable excuse for their continued refusal to be vaccinated despite all the opportunities provided,” dugtong pa niya.

Sa ngayon, may 1,808 parak na hindi pa bakunado, kung saan nasa 900 ang hindi valid ang dahilan, batay sa datos ng PNP. (mjd)

The post ‘No turok, no duty’ ipapatupad sa PNP – Carlos first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/no-turok-no-duty-ipapatupad-sa-pnp-carlos/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=no-turok-no-duty-ipapatupad-sa-pnp-carlos)