Maghihigpit na rin ang PBA sa health protocols partikular sa pagbabakuna laban sa COVID para sa Governors Cup na magsisimula ngayong Miyerkoles.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, bukod sa hindi pwedeng maglaro, hindi makakasahod at hindi rin papayagang makadalo ng ensayo ang mga manlalarong hindi pa bakunado kontra COVID.

“That’s the rule and no one will be exempted from that,” wika ni Marcial sa panayam ng Inquirer. “Players who don’t get vaccinated are also expected not to be paid by their teams, because we circulated a memo on that.”

Ayon sa ilang ulat, sina Rafi Reavis ng Magnolia at Justin Melton ng Terrafirma ay mga hindi pa bakunado kontra COVID.

Bukod sa paghihigpit sa health protocols, tangka rin ng liga na ibalik ang mga fan sa mga playing venue, ngunit lilimitahan lang ito sa mga bakunadong indibidwal. (mjd)

The post ‘No turok, no laro’ ipapatupad ng PBA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/no-turok-no-laro-ipapatupad-ng-pba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=no-turok-no-laro-ipapatupad-ng-pba)