Plano ng gobyerno na mabakunahan ang higit 99 milyong indibidwal o 90 porsyento sa oras na bumaba sa pwesto si Pangulong Duterte sa Hunyo sa susunod na taon.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III nitong Disyembre 9, makakamit ang target kung ang gobyerno ay makakapag-inoculate ng 54 milyong Pilipino laban sa COVID-19 sa pagtatapos ng taon at 77 milyon sa unang bahagi ng 2022.

“I’m confident that we will be able to achieve this at the rate we are going,” saad ni Duque.

Dagdag pa ni Duque, napatunayan umano na kayang maabot ang target sa part one pa lang ng Bayanihan Bakunahan.

“We have proven in the first three days of massive vaccination rollout,” dagdag pa nito.

Samantala, sa unang round ng national vaccination drive na ginanap mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, humigit-kumulang 9.9 milyong dosis ng bakuna ang naibigay.

The post Nograles: Target 99M mabakunahan bago matapos administrasyong Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nograles-target-99m-mabakunahan-bago-matapos-administrasyong-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nograles-target-99m-mabakunahan-bago-matapos-administrasyong-duterte)