Sa ngayon ay hindi rekomendado ng OCTA Research ang pagsusuot uli ng face shield sa kabila ng pagpasok sa bansa ng sinasabing mas mabagsik na Omicron variant.
Saad ni OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Sabado, sinusuportahan nila ang paggamit ng face shield kapag nagkaroon ng pagsirit o surge ng COVID-19 infections.
“During a surge naman, sinuport naman namin ‘yung paggamit ng face shield dahil siguro kahit papaano baka may added layer of protection ‘yan,” sambit ni David sa panayam sa radyo.
“Pero sa ngayon, hindi pa naman siguro kailangan ‘yan. Malayo pa naman tayo umabot sa medyo malalang surge sa ngayon kahit na magkaroon ng uptick kasi napakababa ng bilang ng kaso natin,” patuloy pa niya.
The post OCTA: Face shield hindi pa kailangang ibalik first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-face-shield-hindi-pa-kailangang-ibalik/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=octa-face-shield-hindi-pa-kailangang-ibalik)
0 Mga Komento