Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Sabado ang bagyong ‘Odette,’ ayon sa PAGASA.

Batay sa ulat ng ahensya, ganap na nakalabas ang bagyo sa PAR dakong alas-12:40 ng tangali.

Huling nanalasa si Odette sa Kalayaan Islands sa Palawan kung saan itinaas ang Signal No. 3.

Sa kabila ng paglabas ng bagyo, matinding pinsala ang idinulot nito sa Visayas at Mindanao, partikular sa Cebu at Bohol na isinailalim sa state of calamity.

The post ‘Odette’ nakalabas na ng ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/odette-nakalabas-na-ng-pinas1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=odette-nakalabas-na-ng-pinas1)