COVID-free na ang Olongapo City sakto sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Sa ulat, sinabi ni Mayor Rolen Paulino Jr., na dahil ito sa kooperasyon ng mga residente nila at sakripisyo ng mga healthcare worker.

Ibinalita rin niyang sa nakalipas na tatlong araw, walang naitalang dagdag na COVID case ang lungsod o kamatayan na may kaugnayan sa coronavirus.

Malapit na rin aniya ang siyudad na matamo ang herd immunity matapos umabot sa mahigit 128,000 residente nila ang mabakunahan laban sa COVID.

72 porsiyento ito ng target population nilang 182,000 residente.

The post Olongapo laya na sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/olongapo-laya-na-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=olongapo-laya-na-sa-covid)