Lumabas sa mga paunang pagsusuri na hindi kasing tindi ng Delta variant ang bagong diskubre na COVID variant na Omicron, ayon sa World Health Organization (WHO).
“There’s also some evidence that Omicron causes milder disease than Delta, but again it’s still too early to be definitive,” pahayag ni WHO chief Adhanom Ghebreyesus nitong Miyerkoles.
Gayunman, aminado si Ghebreyesus na masyado pang maaga para maging kampante sa Omicron variant dahil kada araw umano ay may lalabas na bagong pag-aaral.
Kaya naman, iminungkahi ng WHO official ang mas pinaigting na testing, sequencing, at pagbabantay sa mga COVID cases sa bawat bansa.
“Any complacency now will cost lives,” ani Ghebreyesus. “New data are emerging every day, but scientists need time to complete studies and interpret the results. We must be careful about drawing firm conclusions until we have a more complete picture.”
Matatandaang noong nakapasok ang Delta variant sa Pilipinas ay nagdulot ito ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at tumuntong sa lampas 100,000 ang mga aktibong kaso ng COVID.
Samantala, ang Omicron ay naitala na sa 57 bansa sa mundo, ngunit wala pang naitatalang kaso nito sa Pilipinas.
The post Omicron posibleng mas mahina kaysa Delta – WHO first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/omicron-posibleng-mas-mahina-kaysa-delta-who/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=omicron-posibleng-mas-mahina-kaysa-delta-who)
0 Mga Komento