Tiwala ang Department of Health (DOH) na hindi pa nakakapasok sa Pilipinas ang Omicron variant dahil na rin sa hindi pa nakakapagtala ng biglaang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19.

“If you see in the other countries, nagpuputukan ‘yung mga kaso nila, biglang tumataas yung numero,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Sabado.

“Dito naman po sa ating bansa ay hindi pa natin nakikita. So sa tingin ko po sa ngayon hindi pa ho nakakapasok ang variant na ito sa ating bansa,” aniya.

Sa ngayon ay nasa 256 katao mula sa kontinente ng Africa na dumating sa Pilipinas ang binabantayan ng ahensya sa posibilidad na dala ng mga ito ang Omicron variant.

Sa kabila nito, wala pa umanong dapat ipangamba ang publiko.

“Yes, this variant has a lot of mutations na kailangan po cautious tayo,” dagdag pa ni Vergeire. “But hindi po natin kailangan mag-panic at matakot. Kailangan lang po sumunod tayo sa ating mga safety protocols.”

Gayunman, nagpaalala ang opisyal na sa patuloy na sumunod sa basic health protocols.

The post Omicron variant wala pa sa ‘Pinas – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/omicron-variant-wala-pa-sa-pinas-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=omicron-variant-wala-pa-sa-pinas-doh)