Maglalabas ang pamahalaan ng P6 bilyon bago matapos ang 2021 para sa rehabilitasyon at relief effort sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay DBM acting secretary Tina Canda, P1 bilyon na mula sa nasabing halaga ang inilabas noong Biyernes, at ngayong Lunes ay karagdagang P1 bilyon pa ang nailabas ng pamahalaan.
“Tapos maglalabas din kami bago matapos ng taon ng P4 na bilyon na ayuda para sa mga local government units na ipahahatid naman nila sa mga mamamayang naapektuhan ng bagyong Odette,” wika ni Canda.
Dagdag pa niya, ang nalalabing P4 bilyon ay kukunin sa 2022 national budget, na inaasahang pipirmahan sa Martes.
Una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na P10 bilyon ang ilalaan para makabangon ang mga sinalanta ni Odette.
The post P6B ilalaan ng pamahalaan para kay Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p6b-ilalaan-ng-pamahalaan-para-kay-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p6b-ilalaan-ng-pamahalaan-para-kay-odette)
0 Mga Komento