May rematch sina Floyd Mayweather Jr. at Pambansang Kamao Manny Pacquiao na gaganapin sa Pilipinas.

Ngunit hindi sa boksing kundi sa larong basketbol.

Sa panayam sa FightHype, sinabi ni Mayweather na nag-oorganisa si Pacquiao ng isang charity basketball game sa susunod na taon.

Tampok aniya sa basketball game nila ang ilang retiradong NBA star at player mula sa AND1 Live Tour.

“Me and Pacquiao actually, I think we’re gonna play basketball in the Philippines. That’s coming up soon. I think January,” sambit ni Mayweather.

“We’re gonna play a little bit of basketball. We’re gonna take some guys out there. We got some former NBA players a couple of AND1 players, so it’s going to be interesting,” dugtong niya.

Ipinahiwatig naman ni Mayweather na posibleng ang pagkaray sa kanila ni Pacquiao sa Pilipinas ay may kinalaman sa eleksyon.

“He could be bringing us there to help him win, that’s possible,” sambit ni Mayweather.

Nagharap sina Mayweather at Pacquiao noong 2015 sa tinawag na “Fight of the Century”, kung saan nagwagi ang una via unanimous decision.

The post Pacquiao, Mayweather magtutuos sa basketbol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-mayweather-magtutuos-sa-basketbol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pacquiao-mayweather-magtutuos-sa-basketbol)