Ang pag-alis umano ng open pit mining ban ay posibleng midnight deal sa pagitan ng Duterte administration at ng mga “naglalaway” na minero.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, nais ng mga malalaking kompanya ng pagmimina na mapasok ang mag ancestral lands na tinitirahan ng mga indigenous people.
“Among these big miners are the Alcantaras that are close to the Dutertes and owns the Tampakan open pit mine in Mindanao,” sabi ni Gaite sa isang pahayag.
Iniugnay din ni Gaite ang pagtanggal sa ban sa papalapit na halalan kung saan kailangan umanong manalo ng mga kandidato ng administrasyon para matakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga pagkakasala.
“The elections are also fast approaching and it seems that Duterte needs all the funds he can get for his campaign kitty for his allies so that they can defend him against the International Criminal Court (ICC) when needed,” dagdag pa ni Gaite.
Nauna ng sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na inaalis na nito ang ban matapos ang apat na taon. (Billy Begas)
Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-alis-ng-open-pit-mining-ban-amoy-midnight-deal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-alis-ng-open-pit-mining-ban-amoy-midnight-deal)
0 Mga Komento