Binatikos ng ilang residente si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pamimigay ng Christmas gift pack sa piling residente ng lungsod.

Sa Facebook page na pinost ng Lente ng Kyusi, naglabas ng hinaing ang mga residente.

“DI NA NATUTO SI MAYORYA,” caption ng Lente ng Kyusi sa nasabing Facebook post.

https://www.facebook.com/515217758872163/posts/1406423563084907/

“Pwede namang mamigay ng ayuda na hindi nagsasagawa ng mass gathering. At kita nyo, walang social distancing! SUPER SPREADER EVENT YAN! Ginamit ang pondo ng QC sa maagang pangangampanya??? Pili pa ang binigyan ng ayuda??? DAPAT PATAS. AYUDA PARA SA LAHAT!” dagdag pa nito.

Ilang netizens ang nagpahayag ng pagkabahala dahil makikita sa larawan na walang social distancing ang mga tao.

“Social Distancing po nakalimutan na!!! konting ayos naman mayor maawa ka sa nasasakupan mo!!! saad ni Cristene Padilla.

“Takteng yan!!!! ayos ah!! parang walang covid ah may Covid pa HOOOOOO gising hoy maawa kaso sa ibang kalugar nyo!!! pag kumalat ang covid dyan nako!!” pahayag naman ni James Diaz.

Samantala, isiniwalat din ng ilang residente na wala silang natatanggap na Christmas gift mula sa city government dahil pinipili ng kanilang purok leaders ang makatatanggap ng ayuda.

“Hahha noticed q din d lahat nang qc nabibigayan yung mallapt lang sa butas nnag karayum ang tiba tiba plus kupal na mga purok leadr hahahha kwawang mamayan,” ani Bhebygen Alacse.

Sinabi naman ni Nhick Anthony Din na malaki na ang naibigay na tulong ni Belmonte sa mga residente ng QC.

“PAG INGGIT PIKIT, BOBO SPOTTED !! EVERY YEAR YAN SIMULA PA NUNG VICE MAYOR PA LANG SI MAYOR JOY BELMONTE……” saad ni Din.

Isang residente naman ang nagreply sa isa na sinabing hindi ito nakakatanggap ng ayuda mula sa alkalde.

Bagaman ang kanyang intensyon ay dapat na ipagtanggol si Belmonte, ang komento ay nagpahiwatig na hindi lahat ng residente ng lungsod ay nakatanggap ng tulong at ang mga opisyal ng barangay ay pumipili ng mga benepisyaryo

“Bobotante ka rin ba kyah? Hahahaha how sad naman your life, di ka nakarecieve ng ayuda, oh, why kaya???? Hmmmn hmmmn basta most of us in QC naka rcieve. Ask mo rin barangay nyo. Bka may kaaway ka sa barangay nyo hahaha.”

(Sherrylou Nemis)

The post ‘Pag inggit, pikit! Mayor Belmonte na-bash sa pamimigay ng Christmas gift pack first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-inggit-pikit-mayor-belmonte-na-bash-sa-pamimigay-ng-christmas-gift-pack/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-inggit-pikit-mayor-belmonte-na-bash-sa-pamimigay-ng-christmas-gift-pack)