Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na milagro ang patuloy na pagbaba ng COVID cases sa bansa.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na masaya siya dahil bumababa na ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at isa aniyang milagro ito dahil ang ibang mga bansa ay nagkakaproblema sa Omicron variant.

Palagi aniya nitong hinihiling sa Diyos na matapos na ang paghihirap at kalbaryo ng mga Pilipino sa pandemya.

Sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang ibang hinangad kundi ang pinaka-mainam sa mga Pilipino kaya hinimok ang sambayanan na magdasal at malagpasan ang kalbaryong dinaranas dahil sa pandemya.

“I’ve always invoked the intervention of God to pull us out of this misery. Christmas na. I hope that everything will be for the good of everybody and I am very happy that bumababa na talaga, duma-dive na ‘yung ano… That’s a miracle because other countries are still reeling from the effect parang nagkaroon sila ng problema sa Omicron,” anang Pangulo.

Umaasa ang Presidente na mas magiging maganda ang mga susunod na araw dahil simula December 1 ay patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng tinatamaan ng COVID-19.

“Better days ahead because since December 1, we have been on average of 500 to 600 and the number of active cases continues to go down,” dagdag ng Pangulo.

Pero kung sakaling hindi maiwasan at makalusot ang bagong variant sa Pilipinas, sinabi ng Presidente na kakayanin ito ng bansa gaya ng ginawang pagharap sa ibang variant na kumalat sa bansa.

“So tayo, we are not hoping for the best but we pray to God that it will not come to our shores. But if ever nagdating na, we can cope up with it just as we did with COVID-19,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Pagbaba ng kaso ng COVID milagro – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbaba-ng-kaso-ng-covid-milagro-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagbaba-ng-kaso-ng-covid-milagro-duterte)