Pinagbawalan ang pagsabit ng mga political material kagaya ng tarpaulin at poster sa mga pampublikong lugar sa Pasig.

Ayon sa Tweet ni Mayor Vico Sotto, nagbahagi ito ng kopya ng memorandum na nag-uutos sa mga pulis na tanggalin ang anumang campaign materials na nakalagay sa mga pampublikong lugar.

“I instructed our personnel through the City Admin to remove election-related materials posted in PUBLIC PROPERTY,” tweet ng alkalde.


Dagdag pa niya, kahit ang mga tarpaulin na para sa kaniya ay dapat tanggalin.

“Kahit tarp ko pa ‘yan,” dagdag nito.

Ngunit sinabi rin ng alkalde na maaring magkabit sa mga pribadong lugar.

Nakalagay din sa memorandum na maaaring ilagay ng mga kandidato ang kanilang campaign materials sa private property.

“IF private property was included then this was a mistake, and u may report to Ugnayan sa Pasig instead of posting without knowing the details,” pahayag ni Sotto.

The post Pagsabit campaign material hindi pinayagan sa Pasig first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagsabit-campaign-material-hindi-pinayagan-sa-pasig/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagsabit-campaign-material-hindi-pinayagan-sa-pasig)