Nanawagan si House Deputy Speaker at CIBAC party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva sa administrasyon na itulak ang pagsasabatas ng Freedom of Information (FOI) bill na noong pang 1992 unang inihain sa Kongreso.

Ayon kay Villanueva, mahalaga na mabuksan sa publiko ang mga dokumento at impormasyon kaugnay ng mga transaksyon na pinapasok ng mga ahensya ng gobyerno upang mahuli kung mayroong korapsyon na naganap.

“Thus, barely five months away from the 2022 elections and before the current political term would be over, CIBAC calls on Congress as well as MalacaƱang to certify as urgent the enactment of the FOI law. If it happens, history will surely remember this as a crowning legacy of the incumbent administration in its anti-corruption crusade,” sabi ni Villanueva sa panayam kaugnay ng pagdiriwang ng International Anti-Corruption Day.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 2 at inatasan ang mga ahensya ng Ehekutibo na bigyan ng limitadong access ang publiko sa mga impormasyong kailangan nito

Sinabi ni Villanueva na mas maganda ang FOI dahil hindi na kailangang hingin ang mga impormasyong ito kundi kailangan ng isapubliko agad ng mga ahensya.

Naniniwala rin si Villanueva na gaganda ang pagtingin sa bansa kung maipapasa ang FOI bill gayundin ang standing nito sa Corruption Perceptions Index (CPI).

The post Pagsasabatas ng FOI panawagan ni Bro. Eddie first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagsasabatas-ng-foi-panawagan-ni-bro-eddie/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagsasabatas-ng-foi-panawagan-ni-bro-eddie)