Nagdagsaan ang mga manunuod sa pagpapailaw ng Giant Christmas tree sa sikat na Session Road sa Baguio nitong Disyembre 2 ng gabi.

Kasabay ng pagsindi sa higanteng dekorasyon, sinindihan din ng ilang establisyemento ang iba’t ibang pailaw na dekorasyon.

Dahil dito, hindi na napansin ng ilang namamasyal ang pagsunod sa health protocol na social distancing. Hindi na rin napigilan ng LGU ang pagkukumpulan ng mga tao.

Inamin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na marami ang lumabag sa physical distancing, ngunit hindi naman daw nakalimutan ng mga ito ang ibang pagsunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask.

“Medyo nagkakaroon na naman tayo ng problema sa social distancing pero maganda naman ito is that everybody was wearing their masks,” pahayag nito sa 24 Oras.

Sinabi naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi nila parurusahan ang LGU ng lungsod dahil ito ay isang outdoor event at ang mask protocol ay sinusunod pa rin. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Pagsindi Giant Christmas tree dinagsa sa Baguio; manunuod nagkumpulan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagsindi-giant-christmas-tree-dinagsa-sa-baguio-manunuod-nagkumpulan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagsindi-giant-christmas-tree-dinagsa-sa-baguio-manunuod-nagkumpulan)