Kinalampag ng mga Pinoy Mobile Legends fan ang dating PBA star na si Marc Pingris dahil sa pangako nito na tatakbo nang naka-bra kapag nagkampeon ang Pilipinas sa M3 World Championships.

Inilabas ni Pingris ang video noong Disyembre 11 kung saan nangako ito na tatakbo siya sa kanilang village nang naka-bra kapag isa sa mga pambato ng Pilipinas sa M3 ang nagkampeon.

“Hello guys Marc Pingris here rooting po para sa Pilipinas M3 tournament. ‘Pag nanalo ang Pilipinas sa M3 ang gagawin ko po is tatakbo po akong naka-bra dito sa village namin. Gagawin ko po yan para sa M3 Pilipinas,” saad ni Pingris sa naturang video.

Sa M3 World Championships na kasalukuyang ginaganap sa Singapore ay dalawa ang koponang pambato ng Pilipinas – ang Blacklist International at ONIC PH.

Sa kabutihang-palad, ang parehong koponan ang siyang maghaharap sa finals ng torneo na gaganapin ngayong Linggo.

Kaya naman, sigurado na ang kampeonato para sa Pilipinas. Gayundin, inaabangan na rin ng mga netizen ang pagtupad ni Pingris sa kanyang pangako. (mjd)

https://www.facebook.com/PusongPingris/videos/415459976994874

The post Pagtakbo ni Pingris nang naka-bra inaabangan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagtakbo-ni-pingris-nang-naka-bra-inaabangan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagtakbo-ni-pingris-nang-naka-bra-inaabangan)