Isa sa mga gumawa ng ingay ang artistang si Heaven Paralejo matapos nitong masangkot sa ilang kontrobersiya sa kaniyang love life.

Matatandaang nadawit ang pangalan ng aktres sa hiwalayang Kiko Estrada at Devon Seron. Inagaw umano ng ni Heaven kay Devon ang nobyong si Kiko.

Ngayon, pahinga raw muna sa love life si Heaven matapos ang hiwalayan nila ni Kiko nitong Oktubre 25.

Sinagot ni Heaven ang media sa conference para sa pelikulang “Happy Times,” ang tanong kung paano nito nalagpasan ang mga pang-ba-bash ng netizen.

Ayon sa dalaga ay tinanggap na lamang niya ang mga batikos dahil para sa kaniya ay masaya pa rin naman siya.

“Tinake ko lang naman kasi masaya pa rin naman ako at the end of the day, like, nagmahal pa rin naman ako nang tunay and marami rin learnings. Like, with the help of family and friends, naka-survive din, and ngayon pahinga muna sa love life,” sagot ng aktres.

“Si Mom pa rin yung naniniwala na kakayanin ko and, true enough, kinaya naman. Masaya naman,” dagdag pa ni Heaven.

The post ‘Pahinga muna’: Heaven wapakels sa mga basher sa love life first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pahinga-muna-heaven-wapakels-sa-mga-basher-sa-love-life/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pahinga-muna-heaven-wapakels-sa-mga-basher-sa-love-life)