Nasundan pa ang serye ng mga trade bago ang pagsisimula ng PBA Governor’s Cup sa susunod na linggo.

Sa pinakahuling trade na naganap ngayong Sabado, ibinigay ng Meralco si Trevis Jackson sa Rain or Shine kapalit ng rookie na si Franky Johnson.

Si Jackson ay pinili ng Bolts bilang fifth overall pick noong 2018 draft.

Pinakamataas niyang na-average sa Meralco ay 6.1 points kada laro noong 2019 Philippine Cup.

Samantala, si Johnson naman ay kinuha ng Painters bilang 17th pick sa nakaraang draft. Limitado ang naging minuto niya sa Rain or Shine dahil sa dami ng guwardiya gaya nila Rey Nambatac, Andrei Caracut at Anton Asistio.

Ang Governor’s Cup ay lalarga na sa Miyerkoles, Disyembre 8.

The post Painters, Bolts nagpalitan guwardiya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/painters-bolts-nagpalitan-guwardiya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=painters-bolts-nagpalitan-guwardiya)