Naging taguan ni Jane de Leon ang aktor na si Joshua Garcia matapos mapigtal ang strap ng suot niyang dress sa gitna ng production number sa ABS-CBN Christmas special.

Sa unang tingin, tila sweet pa nga ang dalawa dahil todo yakap si Jane kay Joshua habang inaawit ng mga Kapamilya star ang Christmas station ID ng network.

Ngunit ang kwento, kaya pala todo-kapit si Jane kay Joshua ay dahil napigtal ang strap ng kanyang dress.

“Thank you [Joshua Garcia] for helping me cover my wardrobe malfunction!” saad sa tweet ni Jane nitong Linggo.

Kung hindi nagpaliwanag ang aktres, hindi matatahimik ang kanilang mga fans na kinilig sa yakap ni Jane kay Joshua.

Ang dalawa ay magtatambal sa ipapalabas na serye ng ‘Darna.’

The post ‘Pakwan’ ni Jane de Leon muntik nang sumilip first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pakwan-ni-jane-de-leon-muntik-nang-sumilip/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pakwan-ni-jane-de-leon-muntik-nang-sumilip)